1-Day Professional Development Seminar

[Event Update] 1-Day Professional Development Seminar*

WASEDA, TOKYO – Matagumpay na naisagawa ng Partner Y’s at ng SEELS Teachers Academy ang 1-Day Development Seminar na may temang “Global Filipinos in Japan and Professional Online Opportunities” sa SEELS Teachers Academy noong ika-10 ng Pebrero 2018.

Karamihan ng mga naging kalahok ay Pilipinong residente sa Japan habang ang ilan ay mga kasalakuyang estudyante dito sa Japan.
Ang mga kalahok ay nagkaroon ng pagkakataon na marinig ang karanasan ng dalawang Pilipinong propesyunal ngayon dito sa bansang Hapon na sina G. Fern Angelo Mariño, punong guro sa isang international school dito sa Tokyo, at G. Garrell Malacad, executive sa isang
American company dito sa Tokyo.

Partner Y's 1-Day Professional Development Seminar
Partner Y’s 1-Day Professional Development Seminar makes it to the March issue of Daloy Kayumanggi

“It was really a very informative and self-enhancing event. It inspired me to achieve more and move further,” ang naging komento ng isa sa mga sumali sa event. Dagdag pa nito, nagkaroon rin ng pagkakataon na makapag-register ang audience sa bagong website ng Partner Y’s para makatanggap ng impormasyon tungkol sa trabaho at bagong oportunidad lalo na sa mga nagbabalak magpalit ng propesyon.

Dahil na rin sa naging mainit na pagtanggap ng mga kalahok sa event, iniisip ngayon ng Partner Y’s at ng SEELS Teachers Academy na bisitahin ang iba pang Pinoy at dayuhang komunidad sa Chiba, Ibaraki, at Kanagawa para magsagawa ng pareho ring seminar.

(more pictures to be posted below)

*this news first appeared as a news article in the March 2018 issue of Daloy Kayumanggi